Thursday, March 25, 2010

You're a Pinoy If.... ( Mannerism and Personality traits)

    1. You point with your lips
    2. You eat with your hand and have it down as a technique
    3. Your other piece of luggage is a "Balikbayan Box"
    4. You nod your head upwards to greet someone
    5. You put your foot up on your chair and rest your elbows on your knees while you eat
    6. You use a rock to scrub yourself in the shower
    7. You kiss relatives on the cheek when you enter the room
    8. You're standing next to eight big boxes at the airport
    9. You collect items from hotels or restaurants as "souvenirs"
    10. Your house has a distinctive aroma
    11. You smile for no reason
    12. You flirt by having a foolish grin on your face while raising your eyebrows repeatedly
    13. You go to department stores and try bargain with the price
    14. You scratch your head when you don't know the answer
    15. You never eat the last morsel of food on the table
    16. You go bowling
    17. You play pusoy or mahjong
    18. You prefer to sit in the shade instead of basking in the sun
    19. You add an unwarranted 'H' to your name: Jhun, Bhoy, Rhon
    20. You put your hands together in front of you as if to make a path and say "Excuse, Excuse" when you pass in between people or in front of the TV
    21. Your middle name is your mom's maiden name
    22. You like everything that is imported or 'stateside'
    23. Your perfectly comfortable in a squatting position with your elbows resting on your knees
    24. You consistently arrive 30 minutes late for events
    25. You always offer food to your visitors
    26. You put your arm on the other person's shoulder if he or she is a close friend of yours
    27. You draw a rectangle in the air when asking for the bill, which never fails to baffle the restaurant staff
    28. You don't sit on the bowl in public toilets, no matter what part of town or if your thighs ache like hell; and you flush the toilet with your feet
    29. You think 'tuck out' is the opposite of 'tuck in'
    30. You tell everyone you meet where you studied and the intricacies of your family tree-just to show them you come from good stock - it never occurs to you that people may not have heard of your university or your clan's last name
    31. You show up late for work and your excuse is 'I forgot to on the alarm' or better yet 'traffic eh'
    32. You linger over the Tonite and Balita tabloids available at the Star Ferry, but quickly buy the Asian Wall Street Journal when other Filipinos start browsing
    33. Brushing your teeth after lunch in the office lavatory is an unbreakable habit, even if your colleagues can't bear touching the taps after you've drooled and spat all over them
    34. Namedropping is your favorite sport when you meet up with new acquaintances from back home
    35. Toni Braxton, Basia and Swing Out Sister are your idea of party music, you hardly listen to anything else
    36. You sell Amway and Herbalife as sideline
    37. You fight noisily with Cathay Pacific check-in staff over the size of handcarried luggage-which could be anything from oversized suitcases to major appliances
    38. You underdeclare your income when you pay Phil tax, even if it's peculiar that a consultant is paid little more than a domestic helper's wages
    39. At Immigration, when they call out 'Maria', you and 46 other women stand up
    40. When they play 'Anak' anywhere, your chest swells with pride and say 'that's Filipino'
    41. You think taking a shower and taking a bath are the same thing
    42. You use shopping bags as garbage bags
    43. You use laundry detergent to wash your dishes
    44. You use print rags from an imported fashion magazine as cover of your textbooks and notebooks
    45. You enjoy watching Pinoy action films with the same plot: Hero and villain are mortal enemies. Hero's family's killed by villain. Hero seeks revenge. Hero meets bar girl with sad tale of past love. She comes from a poor family, that's why she's working in the bar. They fall in love. Villain kidnaps girl, threatens to kill her if hero won't stop harassing him and his henchmen. Hero rescues girl, they run away. Chase goes on in a dilapidated car. Hero finally kills villain and police arrive. Hero and girl live happily ever after.

Monday, March 22, 2010

Follow me...

What is Following?

Do you have a favorite blog and want to let the author and readers know that you are a fan? Well now you can do that and more with the Blogger Following feature! You can even keep track of the blogs you follow via your Reading List on the Blogger dashboard.

How do I become a Follower of a blog?

There are several ways to become a follower of a blog. One of the easiest ways is to visit a blog that has added the Following widget and click on the "Follow" button under the "Followers" widget.

Kaklase, Pakopya, Kaibigan, Kabarkada, Kapuso, Kapamilya.. Yan ang Proba!

Sila ang nakasama ko sa kalokohan, kopyahan, harutan, at asaran.

II-Probability, ang pangit pangalan ng section ko. Ang hirap bigkasin, nakakabulol. Yun ang una kong pananaw nang malaman ko ang section ko. Hindi ko mabigkas, hindi ko rin masaulo. Pero nang magtagal, nasanay na rin ako.

Mamimiss ko 'to....
Lalo na ang hininga ni Bangan!


     Once in a life time ka lang magiging 2nd year. At masaya ako dahil II-Proba ang nakasama ko sa buhay 2nd yr. ko. 

1st day of school noon....

      Natatakot akong pumasok. Ang liit ko, at malalaki lahat ang nakakasalubong kong high school. Para akong elementary na nawawala. Tinanong ko ang guard kung nasaan ang II-Problahblah. Hindi ko alam ang section ko. Nakalimutan ko kasi. Kailangan ko pa tuloy makipagsiksikan sa ibang estudyanteng nakalimutan din ang section. Sa wakas, nalaman ko na din ang section ko. II-Probabilation, ay hindi. Tinignan ko ulit, at kinabisado ko na. Tinanong ko ulit sa guard kung saan ang II-Probability. Tumuro siya sa bandang dulo. 
    Nakita ko ang section ko sa pinto. "Eto na yun". Sumilip muna ako sa bintana. At nabighani dahil ang tatangkad ng mga classmate ko. Pagkapasok ko, napansin kong maliit lang ang kwarto. Madumi at mapanghi. Hindi naman masyadong mainit. May dalawang ceiling fan at may isang aircon. Maya-maya lang, may pumalakpak. "Yehey!". Ewan ko ba kung bakit siya nagyehey. Umupo ako sa bakanteng upuan sa harap. Napansin kong maliit din ang katabi ko sa bandang kanan. Sa kaliwa naman matabang nagmamantikang babae. Sa likod, dalawang babaeng tahimik at dalawang lalaking madaldal. Tinignan ko ang lahat ng classmate ko. Ang we-weird ng itsura nila. May matangkad na payat, may kamuka ni kokey, may bungi, at may kamuka ni bamboo. Naisip kong, sila na pala ang makakasama ko ng isang taon.

6 months na ^O^....

    Nagsasalita na ako, may konting kaibigan, marunong na din akong mangopya. Medyo nawawala na ang pagiging mahiyain ko. At unti-unti na akong nagiging buraot. Nangongodigo na din at nang-aasar ng classmate. Hindi ko pa naiisip ang katapusan ng mundo dahil wala pang 2012 movie. Close na kami ni Belly. Wala pang Jamarkar. Nagsisimula na akong maasar kay Bangan. Nalaman ko din na meron nang ligawan na nagaganap. Masaya na, kulang lang sa bonding.

March, ang katapusan....

    Dito ko na nalamang hindi mabubuhay ang tao kapag walang kaibigan. Nagkabunyagan na, nagkainlove-an na, nagkadevelop-an na. Nangyari na ang lahat ng mangyayari. Kung kailan malapit na matapos ang pasukan, tsaka lang namin na-realize ang samahan namin. Samantalang nung una, ang tanging nasa isip ko lang bakasyon. Akala ko hindi magiging maganda ang buong taon ko sa Kin Yang. Pangit ang room, may mga topaking teacher at may mukang zombie na director. Pero, dahil sa mga kaklase ko naging masaya parin ang buong taon ko. MARAMING SALAMAT... lalo na kay:


Evelyn "Belly" Belia
      -sa pagpapautang mo, panglilibre mo at sa pagiging isang mabait at mapagkakatiwalaang kaibigan. Lovlotz!

Anjo Magbohos
      -sa pagpapakopya mo sakin ng mga assignments at seatworks, sa panglilibre mo sakin ng kwek-kwek, sa pagbibigay sakin ng kasiyahan.


Jemai, Mae, Jamila at April
     -sa pagbibigay ng information tungkol sa anime, nang dahil sa inyo lalong akong nahilig sa anime at pagdadrawing. Salamat din dahil kayo ang kumakausap sakin kapag tulala ako at balisa. Kitakitz!


Mama Ver, Lola Jessa at Lola Hannah
     -sa pagiging isang mabuti at maalagang kamag-anak-anakan. Tinuruan niyo akong magbless sa mga nakakatanda. Hope to see you soon!


Sir Boom-boom
     -sa pagtuturo samin ng maayos, sa pagiging joker sa room. Sir! Saludo ako sayo.


Hindi pa natatapos ang journey natin. Magkikita-kita pa tayo, kaya hindi muna ako magpapaalam. Mas magandang sabihing "KITAKITZ!".

_J.A.M. Jumawan_

Friday, March 12, 2010

Iba't-ibang uri ng high school students na babae


  • Bookworm- Mga babaeng high school students na matalino, walking dictionary, at alam ang lahat. Hindi sila mukang matalino dahil wala naman silang salamin. Cool lang ang dating nila, walang kalandian, mahilig lang talagang magbasa ng libro. Pero magaling silang magpayo. Madalas mong maririnig ang punch line nilang “Ang eksplinasyon dito…..”

  • Nerds- Nakasalamin, may brace ang ngipin, taas man o baba. Nakapusod ang buhok, as in brush-up talaga. Mabilis magsalita pero may pagkabulol. Talsik ang laway at kung ngumiti, labas lahat ng ngipin pati gilagid. Hindi lahat ng nerd matatalino. Yung iba ganun lang talaga ang style. Yung iba naman kahit hindi malabo ang mata nagsasalamin, masabi lang na matalino sila. Madalas mong maririnig ang punch line nilang “Angpzhs eksplinasyonpzsh ditopszh…”. ( Ganyan sila magsalita kasi bulol sila, dahil siguro sa brace. May kasama pang laway habang nagsasalita.)

  • Matalinaw- Hindi sila matalino. MATAlinaw sila. Mahilig mangopya, puro hangin ang utak, madaming crush pero walang syota. Madalas nilang kinokopyahan ang mga utu-utong nerds. Sila ang mga assistant ng Socialera. Ang bag nila imitation. Kahit ano gagawin nila para lang magaya ang mga diosa nila. Madalas mong maririnig ang punch lines nilang “Di’ba kaibigan kita, pakopya naman.” At “Gucci ‘to, pero 250 lang.”

  • Socialera- Mga Goddess para sa mga Matatalinaw. Hindi sila makakapasok hangga’t hindi sila nakakapag-make-up. Bawat sigundo o minuto nagpa-foundation sila. Laging may hawak na suklay at pulbo. Hindi mapakali kapag nakakakita ng pogi. Lalo na kapag crush na nila ang kausap nila. Laging may kulay ang kuko sa kamay at paa, kahit na bawal ito sa school. Kundi kulay pink, purple, orange at yellow, paminsan checkered pa ang mga kuko nila. Kapag may warning na sila, colorless naman ang kyutiks nila. Di’ba, hindi mo mapipigil ang kalandian nila. Kahit walang kulay, basta may kyutiks, kuntento na sila. Ang mga bag nila mamahalin. Ayaw nilang bumibili ng peke. Nagpapagawa sila ng seatwork at assignment sa mga Matatalinaw. At takot sila sa lahat ng insekto at maduduming bagay. Sila ang kinahuhumalingan ng mga lalaking ambisyoso. Sila din ang kinaiinisan at kinaiinggitan ng mga Etsuserang Frog. Madalas mong maririnig ang mga punch lines nilang “Yuck, you bought it from Ukay-ukay only”. At “Eww! Cockroach!”

  • Emongoloid- Mga babaeng mahilig sa kombinasyong pink at black. Umiiyak sila ng walang dahilan. Papansin at gusto ng madaming kaibigan. Naka-eyeliner lagi. Yung makapal na makapal at kulay itim. May full-bangs na buhok at may mahabang stripes na medyas. Kinaiinisan ng mga bookworm dahil laging humuhingi ng payo. Nagpapa-payo sila sa walang kwenta at mababaw na problema. Mabababaw ang luha at konting asar lang iiyak na. Mahilig sa bungong kulay pink na nakangiti. At may checkered na bag. Madalas mong maririnig ang punch line nilang “Nag-iisa nanaman ako, lagi nalang nila akong iniiwan.”

  • Goth- Sila ang original na mabababaw. Mababaw ang kasiyahan at mababaw ang luha. Sila ang magulang ng mga Emongoloid. Doble pa sa Emongoloid ang emosyon nila. Kaya nga lang, hindi sila naka-focus sa fashion. ‘Di tulad ng mga Emongoloid, kulay black na T-shirt lang o.k na sa kanila. Laging nakasimangot. Pero hindi sila humihingi ng payo. Sa diary nila sinasabi ang lahat ng nasa isip nila. Madalas na may earphone o headphone. Malakas ang tunog at sumisigaw ang mga kanta. Mahilig sila kay Evanescence at sa My Chemical Romance. Ang bungong kinahihiligan nila ay kabaligtaran sa mga Emongoloid. Gusto nila ng bungong nakakatakot ang itsura, yung hindi nakangiti at may crack ang ulo. Madalas mong maririnig ang punch line nilang “Taaaake my haaaand, we’ll be...” (Wala silang ginawa kundi patutugin ang paborito nilang kanta.)

  • Rakista- Mga daredevil at mahilig sa adventure. Gusto nila sa mga bagay na may thrill. Kinaiinisan nila ang mga bagay na boring. Kumakain sila ng mga exotic food. Paborito nila ang kulay itim. Lagi silang may dalang skateboard o kaya bisikleta. Mahilig sila sa mga nakakatakot na bagay. Mahilig din sila sa mga lamang loob. Mahilig sa rock bands tulad ng Metallica, Slapshock, Linkin Park at Parokya ni Edgar. Naiinis sila kapag minamaliit sila ng mga lalaki. Pinag-kakait nilang naging babae sila. At naiinis sila kapag may “REGELS” sila. Lagi mong maririnig ang punch line nilang “Rock and Roll!”

  • Amen- Mga makadiyos at may keychain na rosario. Hindi sila nagsasalita at wala silang madaming kaibigan. Hindi kasi sila pinapayagang makipagkaibigan sa mga masasama, kaya kapwa Amen lang lagi ang kasama nila. Hindi naman lahat ng Amen magkakasama. May iba’t-ibang uri din ng mga Amen. Depende sa relihiyon nila. Kahit na gano’n ang ugali nila may natatago parin silang kuleksyon. Makikita mo sa kwarto nila ang iba’t-ibang uri ng collection na hindi mo makikita sa mga ordinaryong kwarto lang. Para kang nasa simbahan kapag nakapasok ka sa kwarto nila. Madaming picture ng Diyos ang nakasabit sa ding-ding. Pero hindi lahat ng nakasabit, picture na. May mga nakasabit ding medal sa ding-ding. Pero hindi medal ng pagkatalino, kundi medal na may nakasulat sa likod na “Most behave – S.Y ….-….” Madalas mong maririnig ang punch line nilang “Dear …., Sana po… Amen.”

  • Ma-Ma-Ma- Maganda na matalino na, mabait pa. Crush ng bayan at may laman ang utak. Kahit hindi sila ang 1st Honour, sila parin ang nasa isip ng halos lahat ng lalaki sa school. Nagpapakopya sila ng assignment kahit hindi naman sila hinihingan ng tulong. Namimigay ng baon pero palaban. Pinag-babati niya ang mga mag-kakaaway. Hindi nila siniseryoso ang mga lalaki. Sa kanya pumupunta ang mga nerd na gusto na magbagong buhay. Sa kanya pumupunta ang mga babaeng may problema sa pagkatorpe. Pero hindi sila magaling magpayo. Kinaiinisan sila ng mga Socialera at Matalinaw, dahil sinasabi ng mga Socialera na nang-aagaw daw sila ng Stalker. Eto lang ang punch line na maririnig mo sa kanila “Dapat always positive, wag mong isipin ang iniisiip ng iba tungkol sayo, ngitian mo lang sila, tapos!”

  • Smiley- Hindi sila masyadong maganda, pero cute sila. Laging nakangiti at maraming kaibigan. Kahit may problema nakangiti lang. Hindi nila siniseryoso ang lahat ng bagay. Cool lang sila sa lahat ng nangyayari. Ang gusto lang nilang seryosohin ay Pag-ibig. Hindi pa sila handa sa pag-iibigan pero gusto na nila itong maranasan. Isa lang ang crush nila at tinotopak kapag na-inlove. Lalo na kapag first time palang siyang na-inlove. Mahilig silang magbiro at may konting kalibugan. Mga Smiley na lalaki din ang nagkakagusto o nagiging boyfriend nila. Open sila sa lahat ng bagay. Pala kwento at hindi korni. Hindi ka nila pababayaan sa ere. Sila din ang dream bestfriend ng mga babae. Lagi mong maririnig na bukambibig nila ang pangungusap na “Smile lang! Wag mong dadamin may likod ka pa!”

  • Sa palagay ko, yun na ang lahat ng uri ng mga classmate kong babae. Kung kulang pa, malamang hindi ko pa sila nagiging classmate. 2nd year palang naman ako. Alam kong may dalawang taon pang natitira sa buhay ko para makakilala ng iba pang uri ng babaeng high school student. Sa tingin niyo, sino kayo dyan? Anong uri ka ng high school student? Kung wala ka pang depinisyon. Mamili ka na kung ano ang gusto mong maging. Ako kaya? Sa tignin niyo, ano ako sa mga yan….. Basta ako, alam ko kung sino ako.

  • ABANGAN- Male high school students naman!!
  • (Sa mga lalaki dyan, isipin niyo na kung ano kayo.)

  • J.A.M. “Grin” Jumawan
  • You know who I'am?.. I'm Spiderman

    HAHA! That's me! A computer addict and a clown.

    I'm Jae Ann Mari Canlas Jumawan, J.A.M. for short. I'm a pure Filipino. I'm also proud to be one. I hate everything and everyone who hates Filipinos, because they didn't known yet what it feels to be one. I'm 14 years old, a 2nd year, high school student at Kin Yang Academy. And I love Spongebob!

    I really don't like speaking in english or writing a blog in english. So, I will start to write in Tagalog now!

    Wheew! Nosebleed ah. Hindi kasi ako mahilig mag-english. Pinilit ko lang ang sarili ko, maintindihan lang ng buong mundo kung ano ang gusto kong sabihin. Hindi ko alam kung bakit napag-tripan ko mag-blog. Siguro, wala lang talaga akong magawa. Pero susubukan kong mag-share sa inyo kung anuman ang nasa isip ko. Maraming salamat po! Mabuhay!