Monday, March 22, 2010

Kaklase, Pakopya, Kaibigan, Kabarkada, Kapuso, Kapamilya.. Yan ang Proba!

Sila ang nakasama ko sa kalokohan, kopyahan, harutan, at asaran.

II-Probability, ang pangit pangalan ng section ko. Ang hirap bigkasin, nakakabulol. Yun ang una kong pananaw nang malaman ko ang section ko. Hindi ko mabigkas, hindi ko rin masaulo. Pero nang magtagal, nasanay na rin ako.

Mamimiss ko 'to....
Lalo na ang hininga ni Bangan!


     Once in a life time ka lang magiging 2nd year. At masaya ako dahil II-Proba ang nakasama ko sa buhay 2nd yr. ko. 

1st day of school noon....

      Natatakot akong pumasok. Ang liit ko, at malalaki lahat ang nakakasalubong kong high school. Para akong elementary na nawawala. Tinanong ko ang guard kung nasaan ang II-Problahblah. Hindi ko alam ang section ko. Nakalimutan ko kasi. Kailangan ko pa tuloy makipagsiksikan sa ibang estudyanteng nakalimutan din ang section. Sa wakas, nalaman ko na din ang section ko. II-Probabilation, ay hindi. Tinignan ko ulit, at kinabisado ko na. Tinanong ko ulit sa guard kung saan ang II-Probability. Tumuro siya sa bandang dulo. 
    Nakita ko ang section ko sa pinto. "Eto na yun". Sumilip muna ako sa bintana. At nabighani dahil ang tatangkad ng mga classmate ko. Pagkapasok ko, napansin kong maliit lang ang kwarto. Madumi at mapanghi. Hindi naman masyadong mainit. May dalawang ceiling fan at may isang aircon. Maya-maya lang, may pumalakpak. "Yehey!". Ewan ko ba kung bakit siya nagyehey. Umupo ako sa bakanteng upuan sa harap. Napansin kong maliit din ang katabi ko sa bandang kanan. Sa kaliwa naman matabang nagmamantikang babae. Sa likod, dalawang babaeng tahimik at dalawang lalaking madaldal. Tinignan ko ang lahat ng classmate ko. Ang we-weird ng itsura nila. May matangkad na payat, may kamuka ni kokey, may bungi, at may kamuka ni bamboo. Naisip kong, sila na pala ang makakasama ko ng isang taon.

6 months na ^O^....

    Nagsasalita na ako, may konting kaibigan, marunong na din akong mangopya. Medyo nawawala na ang pagiging mahiyain ko. At unti-unti na akong nagiging buraot. Nangongodigo na din at nang-aasar ng classmate. Hindi ko pa naiisip ang katapusan ng mundo dahil wala pang 2012 movie. Close na kami ni Belly. Wala pang Jamarkar. Nagsisimula na akong maasar kay Bangan. Nalaman ko din na meron nang ligawan na nagaganap. Masaya na, kulang lang sa bonding.

March, ang katapusan....

    Dito ko na nalamang hindi mabubuhay ang tao kapag walang kaibigan. Nagkabunyagan na, nagkainlove-an na, nagkadevelop-an na. Nangyari na ang lahat ng mangyayari. Kung kailan malapit na matapos ang pasukan, tsaka lang namin na-realize ang samahan namin. Samantalang nung una, ang tanging nasa isip ko lang bakasyon. Akala ko hindi magiging maganda ang buong taon ko sa Kin Yang. Pangit ang room, may mga topaking teacher at may mukang zombie na director. Pero, dahil sa mga kaklase ko naging masaya parin ang buong taon ko. MARAMING SALAMAT... lalo na kay:


Evelyn "Belly" Belia
      -sa pagpapautang mo, panglilibre mo at sa pagiging isang mabait at mapagkakatiwalaang kaibigan. Lovlotz!

Anjo Magbohos
      -sa pagpapakopya mo sakin ng mga assignments at seatworks, sa panglilibre mo sakin ng kwek-kwek, sa pagbibigay sakin ng kasiyahan.


Jemai, Mae, Jamila at April
     -sa pagbibigay ng information tungkol sa anime, nang dahil sa inyo lalong akong nahilig sa anime at pagdadrawing. Salamat din dahil kayo ang kumakausap sakin kapag tulala ako at balisa. Kitakitz!


Mama Ver, Lola Jessa at Lola Hannah
     -sa pagiging isang mabuti at maalagang kamag-anak-anakan. Tinuruan niyo akong magbless sa mga nakakatanda. Hope to see you soon!


Sir Boom-boom
     -sa pagtuturo samin ng maayos, sa pagiging joker sa room. Sir! Saludo ako sayo.


Hindi pa natatapos ang journey natin. Magkikita-kita pa tayo, kaya hindi muna ako magpapaalam. Mas magandang sabihing "KITAKITZ!".

_J.A.M. Jumawan_

No comments:

Post a Comment